March 9, 2009

Bakit Wala Akong Masulat?

as in BLANKO.

Pero ayoko din naman na umalis ka dito nang walang nababasa. Kasi lately yung mga entries ko mga walang kwenta lang. Sorry ha? Ewan ko ba kung bakit.

Una, napanood ko na ang U Changed My Life.
Bomba! Ang ganda ng movie. Nakilig, Umiyak at Natawa ko ng sobra sobra! Ang cute ni Sarah at ang Lambing ng HOBIE kong si John Llyod. Super! OH SI BEBE KUH pala! hahaha! May magandang aral din akong napulot syempre. Iyon ung pagsasasacrifice ng isang importanteng bagay sa MAS importanteng bagay pa. Ganun pala yun. Si Arturo naman, biglang IDOL ko na sya. hahah! Sabi ko kasi sa sarili ko, lalo na sa VERY SPEICAL LOVE palang, na " ang yabang, demanding". Eh ayun pala, may right din naman pala syang mag-asal ng ganun sa bebe koh. Ay! Ano ba, kay Miggy pala. Hands-on pala itong si Art sa trabaho niya. Si Miggy naman kasi, ang daming plano di naman HANDS-ON sa craft niya, utos lang ng utos. AYAN. Okay lang, andyan naman din si BEBE niyang si LAIDA. hehe. Sana ako na lang yun andun. oOops. PANGARAP. LIBREANG MANGARAP. Kaya walang papalag. Okai? hehe!

Ano pa nga ba?

So, aside from being able to watche the movie, I also had this continuous feeling of missing my highschool friends. It seems like they don't even remember I came from the same school they were on. Pero Okay lang, time will come. Makikita ko rin mga friends ko dati, mga naging classmates, naging close! Dami. Ang dami! Super! Iba ang highschool sa college. SUPER. Mas astig ang highschool. Sa college naman, natuto akong maki-adjust ng TODO TODO. Minsan kasi hindi ka naiintindihan ng mga taong nakakasama mo. Akala mo naiintindihan ka na nila, malalaman mo na lang, hindi naman pala. You have to adjust, introduce yourself, and go with the flow. Nakakadepress talaga at times, but thanks God, may friends naman din na nakakaintindi. Nako, kung wala. Wala. Walang improvement. Minsan naman, may nakikilala kang tao, naalala ka lang pagka may gusto kunin, oh di kaya may kailangan lang. Ang hirap ispilihin na mga tao. Ganun yun. Pero sa akin, hindi naman sa nagrereklamo ha. Napansin ko lang. Yun. Minsan naman, ang saya saya, at todo bonding kayo, after that, wala na. Kanya-kanya na. hahhaayy.

Sad ba ako? Hindi naman siguro. Naghahanap lang ng makakachika. Eh sa may mga chika lang na di mo nasasabi sa mga magulang mo. Hhahhaay.

Atleast nasulat ko to. Sana binasa mo. hehehe! Magulo lang utak ko. Malay mo, bukas o sa makalawa may magandang pambomba na ako sa blog ko. hehehe!